Kung mayroon anak si Health Secretary Ernesto Ona na magkokolehiyo sa darating na pasukan, hindi umano niya ito hihikayating kumuha ng kursong nursing.
Sa panayam ng mga mamamahayag kay Ona sa Baguio City, sinabi ng kalihim na masyado nang marami ang nurse na nangangailangan ng trabaho sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Bukod pa rito, dapat din umanong alalahanin na dumarami ang nursing school na nagsasara sa bansa.
Sa ngayon, sinabi ng opisyal na tinatayang aabot sa 200,000 Pinoy nurse ang nangangailangan ng trabaho.
Sa nakaraang pag-uusap umano nila ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III, napagkasunduan na humanap ng paraan para mahikayat ang mga kabataan na papasok sa kolehiyo na kumuha ng ibang kurso sa halip na nursing.
Iminungkahi ni Ona na kumuha na lamang ng ibang kurso ang mga kabataan na may kaugnayan din sa medisina o pangkalusugan katulad ng highly-specialized medical technology.
Posibleng abutin pa umano ng 15 taon bago muling tumaas ang demand sa mga nurse. Ang paghina ng pangangailangan sa mga nurse ay pinapaniwalaang dulot ng nagaganap na economic slowdown sa buong mundo.
Nitong Enero, naging mainit ang usapin tungkol sa umano’y “pagsasamantala" ng ilang ospital sa mga nursing student na “sinisingil" para magkapag-on-the-job training.
Ang sobrang dami rin umano ng nurse ang dahilan kaya marami sa kanila ang pumapayag na magtrabaho ng libre para magkaroon ng karanasan sa kinuha nilang propesyon. Kwento pa ng ibang nurses, sila pa umano ang nagbabayad para lang makapag-volunteer.

Source: http://www.gmanews.tv/story/220207/pinoy-abroad/kursong-nursing-hindi-inirerekomenda-ng-doh-chief-sa-mga-magkokolehiyo
0 comments:
Post a Comment