Monday, May 23

Palasyo, nagbabaya laban sa labis na pagtaas ng matrikula


May 14, 2011 | 3:00 PM

Nagbigay ng babala ang MalacaƱang kanina sa pamunuan ng mga college at university laban sa pagtataas ng kanilang matrikula sa papasok na school year.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, inaasahan ng MalacaƱang ang Commission on Higher Education o CHED na i-monitor ang mga tuition hike at siguruhing makatwiran ang mga ito.

Aniya, magiging mapagmasid ang CHED sa mga eskwelahang labis na magtataas ng matrikula, at papatawan ang mga ito ng kaukulang parusa.

Ngayong taon, may 282 colleges at universities sa bansa ang magtataas ng matrikula. Kinakatawan ng mga ito ang may labinlimang porsyente ng 1,792 college level school sa bansa.
— LBG, GMA News

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons