Monday, May 23

Asteroid ipapangalan sa PhiSci student


May 17, 2011 | 5:00 PM

Isang asteroid ang ipapangalan sa isang estudyante ng Philippine Science High School na pumangalawa sa isa sa mga katergorya sa 2011 Intel International Science and Engineering Fair na ginanap sa Los Angeles, California, USA.

Ang labing-anim na taong gulang na si Miguel Arnold Reyes ay tumanggap ng parangal para sa kanyang proyekto na naglalayong gumawa ng natural at biodegradable substitute para sa mga commercial film plastics.

Kinilala ang kanyang proyekto sa Materials and Bioengineering category at siya ay nakapag-uwi ng 1,500 dollars o humigit-kumulang na 58,800 pesos.

Si Reyes ay pinarangalan din ng Lincoln Laboratory of the Massachusetts Institute of Technology ng isang asteroid, na ipapangalan sa kanya.

Sa press conference kanina, sinabi ng DOST scholar na masayang masaya siya dahil hindi lahat ay nagkakaroon ng ganoong papremyo sa isang kompetisyon.

Tinalo ni Reyes at ng isa pang Pinoy ang may 1,500 young scientists mula sa animnaput-limang bansa na sumali sa kompetisyong ito.
http://www.gmanews.tv/story/220807/pinoyabroad/asteroid-to-be-named-after-pinoy-science-hs-student

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons