Monday, May 23

GSIS members, dismayado sa housing loan


May 13, 2011 | 12:00 PM

Dismayado ang mga member ng Government Service Insurance System o GSIS dahil hindi na sila maaaring makakuha ng housing loan sa nasabing ahensiya.

Itinigil ng GSIS ang pagtanggap ng housing loan applications matapos ang April 28 dahil umano sa pagtaas ng mga hindi nakakapagbayad ng utang.

Kumabig naman si GSIS General Manager Robert Vergara sa pag-aming hindi lang ang mga miyembro ang dapat sisihin sa kaguluhang ito. Wala rin daw kasing tamang setup ang GSIS, dahil isa daw silang pension fund at hindi isang house lending institution.

May 1.4 million active GSIS members ang ating bansa.

Ang ahensiya ay may 11 billion pesos na hindi nababayaran housing loans sa may labing pitong libong properties.

Hindi lamang ang housing loans ang problema sa GSIS. Sabit din ang kanilang educational plans na hindi pa nababayaran.

Ayon kay Gen. Manager Vergara, hindi nila akalaing tataas nang husto ang kanilang bayarin sa tuition. Nangako pa rin ang GSIS na babayaran nila ang mga educational plans, subalit hindi isang daan porsyento. Mga 60 to 70% lang aniya ng tuition fees ang kanilang mababayaran.

Sa kabila ng mga ganitong reklamo, sinabi ng GSIS na sila ay business as usual. Ipinagmalaki nila ang katatagang pampinansiyal ng ahensiya na kumita umano ng 40 billion pesos noong nakaraang taon.

Subalit marami ang hindi naniniwala rito.

Ayon sa “Courage” – isang grupo ng mga empleyado ng gobyerno, ang pera diumano ng ahensiya ay inilagay ng dating pamunuan sa mga kontrobersyal na investment na mas malaki kaysa sa kinikita nito.

Kinuwestyon din ng Commission on Audit ang mga biniling painting noong 2002 na nagkakahalaga ng 53 million pesos at ang sahod ng 2009 Board of Trustees na dapat ay sampung libo lamang, subalit umabot sa 11 million pesos bawat isa.
- Reports from Henry Omaga Diaz and Zen Hernandez, ABS-CBN News; ANC

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons