Ang Social Security System (SSS) na mismo ang magtutungo sa bahay ng mga matatanda at mga maysakit na mga pensyonado para sa kanilang mga pensyon. Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Emilio de Quiros na kailangan lang silang sulatan o puntahan ang kanilang sangay ng mga kaanak ng mga matatanda o mga may sakit na mga pensioner upang kanilang mai-iskedyul ang pagdalaw. Sa ngayon kasi aniya, halos 90 porsyento ng mga pensyon ay idinedeposito na nila sa mga bangko o sa ATM, para mas mapadali ang pagkuha ng kanilang mga miyembro. Samantala, tiniyak naman ni De Quiros na walang problema sa housing loan sa kanilang mga miyembro lalo't sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).
0 comments:
Post a Comment