May 13, 2011 | 5:00 PM
Walong pinaghihinalaang kasapi ng New People’s Army ang napaslang matapos ang kanilang engkwentro sa mga pulis at pwersa ng military sa Nueva Ecija kaninang umaga, ayon sa tagapagsalita ng Philippine National Police.
Sa kanya text message sa mga mamamahayag, sinabi ng Chief Superintendent Agrimero Cruz, Jr. na ang sagupaan ay naganap bandang alas-9 ng umaga sa Sitio Bulod, Barangay Poblacion West, sa bayan ng Rizal.
Dagdag pa niya, wala namang casualty sa panig ng gobyerno.
Kimberly Jane Tan/RSJ, GMA News
0 comments:
Post a Comment