Monday, May 23

25 nomidado maging Ombudsman


May 17, 2011 | 5:00 PM

Dalawampu’t lima ang tinanggap ng Judicial and Bar Council bilang opisyal na mga nominado para sa pinakamataas na posisyon sa Office of the Ombudsman.

Kabilang sa mga nominado ay sina Supreme Court Associate Justice Conchita Carpio-Morales, Justice Undersecretary Leah Armamento, former Justice Undersecretary Jose Calida, former Solicitor General Francisco Chavez, Alternative Law Group head Marlon Manuel at Free Legal Assistance Group Chairman Jose Manuel Diokno.

Sa dalamput-limang nominado, napapaulat na si SC Associate Justice Morales ang napipisil ni Pangulong Benigno Aquino III. Si Morales ang nanguna sa panunumpa ni Aquino bilang pangulo noong nakaraang taon.

Ang mga hindi tumanggap ng kanilang nominasyon ay sina: retired Chief Justice Reynato Puno, Maria Theresa Acosta, Pedro Aquino, Wilberto Candelaria, Justice Secretary Laila De Lima at Atty. Arno Sanidad.

Simula nang magawa ang 1987 Constitution, apat pa lamang ang naging Ombudsman ng bansa. Ito ay sina Conrado Vaquez Sr., Aniano Desierto, Simeon Marcelo at Merceditas Gutierrez.


Samantal, may mahalagang pabatid ang Cabanatuan Electric Corporation o CELCOR:

Mawawalan ng kuryente sa buong Cabanatuan bukas, araw ng Miyerkules, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi. Ayon sa CELCOR, ang maghapong brown out ay para bigyang daan ang taunang Maintenance Work ng National Grid Corporation of the Philippines.

Sinabi sa kanilang official advisory na maaari namang magkaroon ng kuryente nang mas maaga sa nabanggit na oras.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons