Monday, May 23

PARISTA BDS MPC, ginawaran ng SME Rising Star Award


May 4, 2011 | Percival Tabor

Nakuha ng Parista Barangay Defense System Multi-Purpose Cooperative (PARISTA BDS MPC) ng Brgy. Parista, Lupao, Nueva Ecija ang SME Rising Star Award sa ginanap na SME Star Provincial Awarding kahapon sa Plaza Leticia, Cabanatuan City.

Ang SME o Small Medium Enterprises Star Provincial Award ay inorganisa ng Department of Trade and Industry Nueva Ecija sa pakikipagtulungan ng Provincial Micro, Small, and Medium Enterprises Development Council (PMSMEDC) at ng PLDT-Smart Telecommunications.

Nakuha naman ng mga sumusunod ang SME Star Elite Award –

Sa Micro Enterprise, tinanghal na 2nd place nominee ang KASAMODA Handicrafts at 1st Place and Regional Nominee ang Kababaihang Masigla ng Nueva Ecija. Sa Small Enterprise, 2nd place nominee ang Pervil Cosmetics Philippines, Incorporated at 1st Place and Regional Nominee naman ang Nueva Cabanatuan Meat Products. Para sa Medium Enterprise, ang PhilNor Aqua, Incorporated ang tinanghal na Regional Nominee.

Ang mga regional nominee na nabanggit ay sasali sa Regional Star Awarding sa Hulyo na kung saan ang mga mananalo ay lalahok naman sa Presidential Awarding sa 2012.

Sa panayam ng BiG SOUND at DZXO newsteam, idiin ni DTI Provincial Director Brigida Pili ang kahalagahan ng taunang programang ito ng DTI upang mapalakas ang mga micro, small at medium enterprises at tulungan sila na iangat ang antas ng kanilang negosyo. Aniya, nagsisilbing bedrock ng ekonomiya ang MSMEs dahil sila ang bumubuo ng 99.6% ng business sector. Dagdag pa ni Dir. Pili, mahalagang sumusunod ang mga negosyante sa mga batas gaya ng pagbabayad ng tamang buwis, pagsasaayos ng mga kaukulang permit, at pagsunod sa minimum wage para sa kanilang mga mangagawa.

Si Engr. Reynato Arimbuyutan, pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industries – Nueva Ecija at Chairman ng PMSMEDC ang tumanggap sa mga nagsidalo sa okasyon. Nagpadala rin ng kanyang mensahe si Governor Aurelio Matias Umali sa pamamagitan ni Engr. Jose Balite ang kasalukuyang Nueva Ecija Trade and Industry Office Chief. Dumalo rin ang Vice-President ng Development Bank of the Philippines Cabanatuan City Branch na si Jannette Lagarejos na siyang ring nagbigay ng closing remarks.

Dumalo rin sa awarding na ito si Mayor Rolando Bue ng Bayan ng Gabaldon at mga kinatawan mula sa iba’t-ibang local government units sa probinsya.

Ang SME Star Awarding ay ginanap nang simultaneous sa 17 rehiyon ng bansa.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons