May 9, 2011 | 3:00 PM
Sa pinakahuling advisory ng PAGASA, nananatiling nasa ilalim ng Signal Number 1 ang lalawigan ng Nueva Ecija habang bahagyang humina si bagyong Bebeng matapos itong mag land fall sa Northern Casiguran, Aurora Province.
Sa 11AM advisory ng PAGASA, si Bebeng ay nasa 80 kilometer south southeast ng Tuguegarao City o 55 kilometer north northwest ng Casiguran, Aurora kaninang alas-10 ng umaga. Si Bebeng ay kumikilos sa bilis na 75 kph malapit sa gitna.
Si Bebeng ay may international name na Aere.
Nakataas ang Signal Number 2 sa mga sumusunod na lugar:
Aurora
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Ifugao
Mt. Province
Kalinga
at Cagayan
Maliban sa Nueva Ecija, Signal Number 1 din sa mga sumusunod na lugar:
Northern Quezon
Polillo Island
Benguet
Abra
Ilocos Norte
Apayao
Babuyan
Calayan group of Islands
at Batanes
Nagbabala ang PAGASA na si Bebeng ay maaaring mapalakas ang southwest monsoon na magdudulot ng pag-ulan sa Southern Luzon at Visayas.
RSJ, GMA News
0 comments:
Post a Comment