Monday, May 23

DA: Magandang ani ng palay sa 1st quarter ng taon, posibleng makatulong sa pagpapababa ng presyo ng bigas


May 11, 2011 | 3:00 PM

Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na magreresulta sa mas matatag na presyo ng bigas ang magandang ani ng palay sa unang quarter ng taon.

Sinabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na target nila na mapababa talaga o mapanatili ang presyo ng bigas.

Una nang iniulat ng DA na lumago ang ani ng palay sa positive 15.63 percent na maituturing na isang record sa bansa mula sa negative 11.41 noong nakaraang taon.

Samantala, walang nakikitang malaking epekto si Alcala sa produksyon ng bigas, ang pananalasa ng Tropical Storm “Bebeng” lalo na sa bahagi ng Albay at Camarines Sur.

Inihayag ni Alcala na bukod sa karamihan ay nakapag-ani na nang tumama ang tropical strom, inaasahan nilang magiging bahagya lamang ang epekto kung bababa na ang tubig sa loob ng dalawang araw.

Sa Central Luzon, 79% na ng palay ang na-ani na. ###


Source: http://www.dzmm.com.ph/tabid/82/Article/14839/DA-Magandang-ani-ng-palay-sa-1st-quarter-ng-taon-posibleng-makatulong-sa-pagpapababa-ng-presyo-ng-bigas.aspx

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons