Monday, May 23

Public interest lawyer, isinusulong na maging susunod na ombudsman


May 16, 2011 | 5:00 PM

Isinulong ng ilang non-government organization (NGO) at mga dating opisyal ng gobyerno ang nominasyon ni public interest lawyer Marlon Manuel kapalit ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Sa magkahiwalay na nomination letter na isinumite sa Judicial and Bar Council (JBC), sinabi ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Christian Monsod at ni dating Agrarian Reform Undersecretary Hector Soliman na si Manuel ang karapat-dapat sa nasabing pwesto.
Bukod sa pagiging lead counsel ng Philippine Airlines Employees' Association (PALEA), si Manuel din ang abogado ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita at coordinator din ito ng Alternative Law Groups na isang nationwide coalition ng 20 NGO na may legal assistance program sa public interest, human rights at social justice.

Ngayong ang huling araw ng pagsusumite ng nominasyon at aplikasyon sa JBC para sa posisyong binakante ni Gutierrez.

Samantal, may mahalagang pabatid ang Cabanatuan Electric Corporation o CELCOR:

Mawawalan ng kuryente sa buong Cabanatuan sa May 18, araw ng Miyerkules, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi. Ayon sa CELCOR, ang maghapong brown out ay para bigyang daan ang taunang Maintenance Work ng National Grid Corporation of the Philippines.

Ayon sa official advisory ng CELCOR, maaari namang magkaroon ng kuryente nang mas maaga sa nabanggit na oras.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons