May 7, 2011 | 12:00 PM
Tuloy na tuloy na bukas, ang welterweight championship fight ng pambansang kamao na si Saranggani Representative Emmanuel “Manny” Pacquiao at ni Sugar Shane Mosley matapos pumasa ang dalawa sa kanilang weigh in na ginanap ngayong araw.
Si Pacquiao na may 52 wins, 3 losses, 2 draws, at 38 knockouts, ay tumimbang ng 145 pounds. Si Mosley na may 46 wins, 6 losses, 1 draw at 39 knockouts ay mas mabigat ng 2 pounds sa timbang na 147 pounds.
Ayon sa ulat, 70% ng mga sumaksi sa weigh in na ginanap sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada ay mga Pinoy.
Ayon sa 39-year-old na si Mosley, sabik na siya sa mangyayaring bakbakan bukas habang ang buong mundo ay nag-aabang kung sino ang mananalo.
Naniniwala naman si Pacquiao na isang magaling at malakas na kalaban si Shane Mosley, at hindi dapat maliitin. Tulad niya, dumaan din sa mahigpit na training si Mosley upang paghandaan ang kanilang paghaharap.
Sa kasalukuyan, si Pacquiao ay 10-time world champion sa record eight weight division.
0 comments:
Post a Comment