May 4, 2011 | 1:00 PM
Bago pa man ang pag atake ng Estados Unidos, kasama na sa plano, na sakaling mapaslang si Osama Bin Laden, ililibing ito sa dagat upang hind siya magawan ng isang shrine ng kanyang mga taga suporta.
Subalit kabilang din sa plano na gawin ang lahat ng ritwal at tradisyon ng mga Muslim sa paglilibing.
Yan ang tinuran ni John Brennan, ang pangunahing counterterrorism adviser ni US President Barack Obama.
Idiin ni Brennan na ang paglilibing sa dagat ay sumusunod sa kaugaliang Islam. Ayon sa kanya, ang bangkay ni Bin Laden ay hinugasan, tulad ng ginagawa ng mga Muslim sa kanilang patay, binalot ng puting tela, at inilagay sa isang malaking bag, bago inilibing sa karagatan.
Dagdag pa ni Brennan, ang administrasyong Obama ay kumunsulta sa mga eksperto sa relihiyong Islam bago isinagawa ang paglilibing.
Subalit ang mga Islamic scholar at lider ay hati sa usapin, na kung ang paglilibing kay Bin Laden sa North Arabian Sea gamit ang isang US aircraft carrier, ay ayon sa katuruang Islam o insulto sa mga Muslim.
0 comments:
Post a Comment