May 4, 2011 | 4:00 PM
Hiniling ni Outgoing Ombudsman Merceditas Gutierrez sa kanyang mga subordinate ang suporta sa sinuman ang papalit sa kanya sa oras na bumaba siya sa puwesto sa araw ng Biyernes.
Naging emosyonal si Gutierrez sa kanyang pagpapasalamat sa mga kawani ng Office of the Ombudsman sa kanyang farewell speech na kasabayan din ng Founding Anniversary ng naturang ahensiya.
Si Gutierrez ay nag-resign sa kanyang posisyon noong Biyernes, sampung araw bago ang nakatakda sanang pagharap niya sa Senate Impeachment Trial, dahil sa diumano’y betrayal of public trust.
Ang Ombudsman ay na impeach ng Mababang Kapulungan noong March 22 dahil sa umano’y hindi pag aksyon sa may limang malalaking kaso noong panahon pa ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan niya ang kanyang mga empleyado sa pang-unawa ng mga ito sa kabila ng kanyang mga pagkukulang sa loob ng limang taong pananatili niya bilang Ombudsman.
Nangako rin si Gutierrez na patuloy na magma manman sa mga kaganapan sa kanyang iiwang opisina at gayundin sa buong bansa.
Dahil sa resignation na ito ni Gutierrez, naatasan ngayon ang Judicial and Bar Council na mag screen at mag rekomenda ng kanyang kapalit, na siya namang ia-appoint ni Pangulong Benigno Aquino III, at manunungkulan nang may pitong taong termino.
Ang Overall Deputy Ombudsman na si Orlando Casimiro ang magsisilbing Acting Ombudsman hanggang sa ma-appoint ang magiging kapalit ni Gutierrez.
0 comments:
Post a Comment