May 19, 2011 | 12:00 NN
Halos plantsado na ang suntukan nina Manny "Pacman" Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa ilalim ng Top Rank Promotions.
Ayon kay Top Rank Chief Bob Arum, nagkalinawan na sila ng Golden Boy Promotions CEO Richard Schaefer na sadyang mas makalansing ang offer ng promotion outfit ni Arum kaysa offer ng Golden Boy kay Marquez.
Malaki naman kasi talaga ang siguradong makukuhang danyos nitong si Marquez sa halagang 5 milllion dollars, manalo man o ma knock-out laban Pacman.
Kaugnay nito, nakatakdang talakayin nila Arum at adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz, sa katapusan ng linggo ang nilalaman ng buong kontrata at makukuhang salapi ni Pacquiao.
Posibleng idaos ang maatikabong bakbakan sa November 12 o di kaya ay a-singko depende pa sa magpapagkasunduang araw.
Ito na ang ikatlong laban nina Pacquiao at Marquez. Noong 2004, tabla ang kanilang naging laban. Ang kanilang ikalawang laban ay naganap noong 2008, kung saan idineklarang panalo si Pacquiao.
0 comments:
Post a Comment