May 14, 2011 | 5:00 PM
Pinag-aaralan na ng People’s Champ na si Manny Pacquiao ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng tsismis na gumagamit umano siya ng steroids sa kanyang laban.
Itinanggi ni Pacquiao na gumagamit siya ng steroids sa pagsasabing malalaman naman ito sa isinasagawa sa kanilang drug test bago at matapos ang laban.
Hinamon din niya ang mga nag-aakusa sa kanya na patunayan ang kanilang bintang.
Pinabulaanan din ni Pacquiao na mayroon siyang Pilipinong sparring partner, na sinasabing nagpapakalat ng tsismis na ito – dahil puro Mehikano ang mga sparring partner.
Bagama’t si Sugar Shane Mosley ang pinakahuling nag-retweet ng isyu sa steroids, sinabi ni Pacquiao na hindi naman talaga pinatulan ito ni Mosley.
Sa press conference kanina sa NAIA Terminal 2, pawang magagandang pahayag din ang binitiwan ni Pacquiao para kay Mosley.
Source: http://www.dzmm.com.ph/tabid/82/Article/14902/Pacquiao-nakauwi-na-pagsasampa-ng-kaso-sa-mga-nag-aakusang-gumagamit-siya-ng-steroids-pinag-aaralan.aspx
0 comments:
Post a Comment