Monday, May 23

Grupo ng mga nurse, nadismaya sa pahayag ng DOH na iwasang kumuha ng kursong Nursing


May 12, 2011 | 3:00 PM

Nadismaya ang isang grupo ng mga nurse sa naging pahayag ng Department of Health na humihimok sa mga high school graduate na iwasan ang pagkuha ng kursong Nursing dahil sa dami na ng mga nurse na walang trabaho.

Sinabi ni Leah Pacis ng grupong “Ang Nars” na nakalulungkot na sa halip na tingnan ng gobyerno ang problema ng mga nurse na walang makuhang trabaho, sila pa mismo ang humihimok na huwag nang kunin ang kursong Nursing.

Iginiit ni Pacis na mas dapat pagtuunan ng gobyerno ang mga nurse na hindi nabibigyan ng tamang trabaho at pasweldo.

Inihayag ni Pacis na kulang pa nga ang mga nurse para maserbisyuhan ang lahat ng mga Pilipino kung susuriin lamang ng gobyerno. Tinutukoy ni Pacis, ang dalawampung libong plantilla positions sa DOH na kulang na nga ay hindi pa rin lahat napupunan hanggan ngayon.

Noon buwan ng Enero, hiniling ng Philippine Nursing Association na ipatupad ang standard ratio ng bilang ng pasyente na sampu sa bawat isang nurse, dahil naobserbahan nila na ang rationg tumatakbo ngayon ay isang nurse ang nakatalaga sa kada 50 pasyente.


Sources:

http://www.dzmm.com.ph/tabid/82/Article/14860/Grupo-ng-mga-nurse-nadismaya-sa-pahayag-ng-DOH-na-iwasang-kumuha-ng-kursong-Nursing.aspx

http://www.dzmm.com.ph/tabid/82/Article/13164/20-000-bakanteng-posisyon-para-sa-mga-nurse-sa-government-hospitals-hiniling-na-punan-ng-gobyerno.aspx

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons