Monday, May 23

Paglagay ng litrato ng ina bilang profile pic, kinakampanya sa facebook


May 6, 2011 | 1:00 PM

Dalawang araw bago ang Mother’s Day, marami sa mga facebook user ang ginagamit ang larawan ng kanilang ina bilang profile picture. Bunsod ito ng mga kumakalat na kampanya sa facebook.

Ayon sa mga facebook user, ang larawan ng kanilang ina ay mananatiling profile picture nila hanggang May 9, isang araw matapos ang Mother’s Day sa Linggo.

Narito ang halimbawa ng mga kumakalat na kampanya at paki-usap sa facebook, sa wikang Ingles:

“In honor of Mother's Day change your profile picture to a picture of your mother and keep it there till May 9. If you will, please repost this as your status and see how many beautiful moms we can get on FB!”

Ang isa pang halimbawa ay:

“Mother's Day!  I'm trying to see how many of you are willing to change your profile picture to a picture of your mother and keep it there till May 9. I did and so have several others. If you will and like this idea, please repost this as your status so everyone gets the word and see how many beautiful mothers we can get on FB:)”

Tulad ng inaasahan, maraming nang Pinoy at Novo Ecijano ang sumunod sa pakiusap na ito na i-post ang larawan ng kanilang ina bilang profile picture sa facebook.

Ang iba’y mas pinili na ilagay ang larawan nila mismo, na kasama ang kanilang ina.

Marami rin ang ginamit ang youtube upang maka pagpost ng picture slides ng kanilang ina sa saliw ng mga handog na awitin.

Ang Mother’s Day ay ipinagdiriwang sa buong mundo sa iba’t-ibang petsa sa buwan ng Marso, Abril, o Mayo. Sa Pilipinas, ipinagdiriwang ito sa tuwing ikalawang araw ng Linggo ng buwan ng Mayo.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons