Monday, May 23

Pagsusuot ng dilaw sa Linggo, pinakiusap ng Palasyo


May 7, 2011 | 3:00 PM

Pinakiusapan kanina ng Palasyo ng MalacaƱang ang lahat ang mamamayang Pilipino na magsuot ng dilaw bukas bilang pagpapakita ng suporta at pagkakaisa para sa pambansang kamao na si Saranggani Representative Emmanuel “Manny” Pacquiao sa kanyang pagharap kay Sugar Shane Mosley.

Muli rin siniguro ni Abigail Valte, Deputy Presidential Spokesperson, ang publiko, na mananatiling alerto ang kapulisan sa buong bansa upang mapigilan ang sinumang mananamantala sa tinatawag na “Pacman Fever” bukas. Ito ay sa kabila ng inaasahang “zero crime rate” sa tuwing may laban ang pambansang kamao.

Dati nang sinabi ni Pacquiao na siya ay magsusuot ng dilaw ng gloves sa kanyang laban bukas kay Mosley sa Las Vegas.

Tuloy na tuloy na nga ang laban ng dalawa matapos sila kapwa pumasa kanina sa weigh in para sa itinatadhanang welterweight class weight limit. Si Pacquiao ay may timbang na 145 pounds habang si Mosley ay 147.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons