May 10, 2011 | 3:00 PM
Labinlimang katao ang namatay at halos 70,000 katao ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan matapos manalasa si Tropical Storm Bebeng noon pang Linggo.
Ayon sa ulat may anim na casualty ang naitala sa Camarines Sur, apat sa Albay, at tig iisa naman sa Bulacan, Catanduanes, Northern Samar, Leyte, at Las Piñas.
Ayon rin sa ulat, dalawa ang sugatan at tatlo ang nawawala sa Bicol Region.
Subalit makalipas ang dalawang araw ng malakas na ulan sa kalakhang Luzon, ang bagyo ay humina at palabas na patungong hilagang bahagi ng Pilipinas, ayon sa national weather bureau ng PAGASA.
Dagdag pa ng nasabing ahensiya, na sa araw ng Huwebes, inaasahang darating sa may southwest coast ng Japan ang bagyo na may international name na Aere.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council, halos 70,000 katao ang pinilit na lumikas mula sa apektadong mga lugar sa Luzon. Tinatayang puminsala ang bagyo ng mahigit sa halagang 117 million pesos, sa sektor pa lamang ng agrikultura.
0 comments:
Post a Comment