Monday, May 23

Fil-Am coach pasok sa NBA finals


May 17, 2011 | 12:00 OM

Gumawa ng kasaysayan si Erick Spoelstra ng Miami Heat bilang kauna-unahang Pinoy at Asian bench tactician na umabot sa NBA Eastern Conference Finals.

Ang Miami Heat, na pinangungunahan ng kanilang big three na sina LeBron James, Dwayne Wade, at Chris Bosh ay pinatumba ang Boston Celtics sa kanilang huling laban at naipanalo ang serye sa score na 4-1.

Ang Filipino-American head coach na si Spoelstra ay siya ring kauna-unahang Pinoy at Asian coach ng isang NBA team noong 2008. Sa edad na 37, siya rin ang pinakabatang head coach sa kasaysayan ng NBA.

Ang ina ni Erick Spoelstra ay ang Pinay na si Elisa Celino, na mula sa San Pablo, Laguna.
http://goodnewspilipinas.com/2011/05/15/fil-am-coach-makes-history-reaches-nba-east-finals/

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons