May 16, 2011 | 1:00 PM
Tiniyak ng Department of Trade and Industry o DTI na matatag o nananatili ang presyo ng school supplies.
Taliwas ito sa balitang nagsimula nang magtaas ang presyo ng mga nabibiling gamit sa eskwela dahil papalapit na ang Hunyo.
Sinabi ni DTI Undersecretary Zenaida Maglaya na siniguro sa kanila ng mga retailer, kabilang na ang malalaking bookstore, na mananatili ang presyong ipinatupad nila mula pa noong Abril.
Inihayag pa ni Maglaya na may suggested retail price naman na nakapaskil sa website ng DTI para makita ng mga magulang kung may overpricing, bukod pa sa mga ipapaskil nila sa mga tindahan ng school supplies.
Dagdag ni Maglaya, posibleng magkaroon lamang ng piso hanggang uno singkwenta pesos na diperensya sa presyo ng mga notebook na may bagong disenyo.
Source: http://www.dzmm.com.ph/tabid/82/Article/14920/DTI-tiniyak-na-matatag-ang-presyo-ng-school-supplies.aspx
0 comments:
Post a Comment