Monday, May 23

12 lugar apektado ni Bebeng


May 7, 2011 | 5:00 PM

May labindalawang lugar sa Luzon at eastern Visayas ang inilagay sa Storm Signal number 1 habang ang tropical depression na si Bebeng ay kumikilos ng hilagang kanluran kaninang tanghali.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration of PAGASA, hindi direktang tatama sa Metro Manila si Bebeng. Aniya, ito ay babaybay sa Southern Luzon at hindi na inaasahang lalakas pa.

Dagdag pa niya, si Bebeng ay maaaring magdulot ng ulan at maulap na kalangitan sa susunod na 24 na oras.

Ang lugar na maapektuhan ay ang Southern Luzon, Bicol at ang silangang bahagi ng bansa.

Ang 12 lugar na nasa ilalim ng Signal Number 1 ay ang mga sumusunod:

Camarines Sur, Camarines Norte, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Ticao Island, Burias Islands, Polilio Islands, Leyte, Samar Provinces, at Biliran Island.

Pinaalalahanan naman ng PAGASA ang mga residente sa mga mabababa at bulubunduking lugar sa nasa ilalim ng Signal Number 1 na maging alerto sa posibleng flash floods at landslides. LBG, GMA News

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons