Monday, May 23

Justin Bieber, dumating sa Maynila


May 10, 2011 | 5:00 PM

Dumating na sa bansa ang international teen pop superstar na si Justine Bieber.

Ang eroplanong sinakyan ni Bieber ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2, ilang sandali bago mag ala-3 ng hapon kanina. Marami sa kanyang mga fans na tinatawag ding “Beliebers” ay na-disappoint dahil hindi man lang umano sila pinansin ng teen pop star o kumaway man lang.

Bago dumating sa Maynila, na-headline si Bieber matapos niyang batiin ang kanyang mga fans sa Malaysia ng “Hello Manila!” imbes na “Hello Malaysia”. Ayon sa kanyang mga fans o “Beliebers”, kahit na-boo si Bieber sa Malaysia, natutuwa naman sila dahil nagpapatunay lamang ito na excited na ang batang mang-aawit na mag perform dito sa ating bansa.

Si Justine Bieber ay nasa ating bansa para sa kanyang one night concert na gaganapin mamaya sa isang concert grounds sa Pasay City. Makakasama ni Bieber sa concert na ito ang Asian American All Male Dance Crew na Poreotics.
INQUIRER.net, Philippine Daily Inquirer

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons