September 6, 2011 | 5:00 PM
TINIYAK ng Department of Agricultrure (DA) na ligtas kainin ang mga manok na galing sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ni DA Asec. Salvador Salacup sa kabila ng pangamba ng bird flu virus.
Mahigpit naman aniyang nagbabantay ang mga otoridad upang mapigilan ang pagpasok ng avian flu virus sa bansa.
Binanggit din ni Salacup na walang dahilan para magmahal ang presyo ng manok sa mga pamilihan dahil may sapat na supply ng poultry products ang bansa.
Una nang sinabi ni Agriculture Sec. Proceso Alcala na hindi dapat maapektuhan ang lokal na merkado ng bansa ukol sa presyuhan ng karne ng manok dahil hindi apektado ang bansa ng nasabing sakit at kung tutuusin malaki ang poultry industry ng Pilipinas kaya hindi iindahin ang epekto ng krisis.
www.rmnnews.com

0 comments:
Post a Comment