September 2, 2011 | 5:00 PM
Pinaigting ng Bureau of Quarantine ang screening sa mga pasahero at turistang dumarating sa bansa lalo na kung galing China, Vietnam at iba pang bansang apektado ng H5N1 avian influenza virus.
Ayon kay Bureau of Quarantine Board and Import Division Chief Alexander Cuba, inatasan na nila ang lahat ng medical officer sa bansa na mahigpit na bantayan ang mga pasaherong dumarating kung may lagnat ang mga ito.
Beberipikahin aniya kung saang bansa nanggaling ang mga pasaherong may lagnat at kapag nagmula ito sa mga bansang apektado ng bird flu virus, agad nila itong ipadadala sa ospital upang masuri.
Sa ngayon, wala pang indibidwal na kinakikitaan ng nasabing sakit.
0 comments:
Post a Comment