July 5, 2011 | 3:00 PM
Isinulong ng Framework Convention on Tobacco Control Alliance Philippines na taasan ang sinisingil na buwis sa tobacco industry.
Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, Executive Director ng FCAP na ito ay upang magamit ang nasabing pondo sa mga health insurance program ng administrasyong Aquino dahil hindi naman sapat ang pondong nakukuha sa mga anti-smoking drive ng pamahalaan.
Inihayag ni Limpin na umaabot lang sa higit 26 billion pesos ang nakokolektang buwis ng Bureau of Internal Revenue mula sa mga kumpanya ng sigarilyo kumpara sa ginagastos sa pagpapagamot ng Department of Health sa mga sakit na umaabot sa 276 billion pesos.
Samantala, nilagdaan na ang isang memorandum of agreement sa pagitan ng Department of Interior and Local Government at Metropolitan Manila Development Authority kaugnay ng anti-smoking drive sa mga pampublikong lugar sa Kalakhang Maynila.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan, tutulong na rin ang DILG sa no smoking policy campaign para sa mas pinaigting na pagpapatupad nito.
www.rmn.com.ph and www.dzmm.com.ph

0 comments:
Post a Comment