Monday, July 25

PNoy, hindi magpapa-impress sa SONA

July 25, 2011 | 12:00 NN

WALANG planong magpa-impress si pangulong Benigno Noynoy Aquino III.



Ito ang bwelta ng Malakanyang hinggil sa mga binabatong isyu na puro pambobola lang ang sasabihin ni pangulong Aquino sa kanyang State of the Nation Address mamaya.

Giit pa ng Malacañang bahala na ang mga boss ni PNoy na humusga sa bigat at saysay ng sasabihin ni pangulong Aquino.

Nilinaw din ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte gusto lang i-report ni PNoy ang totoong estado ng bayan.

Kinumpirma naman ni presidential Communications Group secretary Ricky Carandang na mas mahaba sa karaniwang speech ni pangulong Noynoy ang kanyang State of the Nation Address.

Sinabi ni Carandang na “pagbabago” o "social transformation" ang tema ng SONA dahil hangad ng pangulo na sumulong na ang bansa.

Wait and see naman si Carandang sa mga balitang ipapakilala na ni PNOY ang bagong ombudsman sa SONA.

Samantala, ayon kay Carandang, naiintindihan ng Malakanyang ang hindi pagdalo ni dating pangulong Gloria Arroyo sa SONA dahil aniya wala namang sinuman ang gustong nakaharap habang binabatikos sa talumpati.

www.rmn.com.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons