Tuesday, July 12

Human Blood Donors Month, ginugunita ngayong Hulyo

July 12, 2011 | 5:00 PM

Sa gitna ng paggunita ng bansa sa National Blood Donors Month ngayong Hulyo, ineenganyo ng Department of Health ang publiko na regular na magdonate ng dugo upang maging bahagi sa pagsagip ng maraming buhay.

Sa isang DOH press release, inihayag ni Sec. Enrique Ona ang pangangailangan at kahalagahan ng ligtas, de-kalidad, at maraming supply ng dugo. Aniya, makakamtam lamang ito kung mas maraming tao ang boluntaryo at regular na magbibigay ng kanilang dugo. Kaya naman ang kanilang temang nabuo para sa taong ito ay "More Blood, More Life".

Dagdag pa ni Sec. Ona, ang pagbibigay ng dugo ay isa sa pinakamahalagang regalong pwedeng ibigay ng isang tao sa kanyang kapwa. Isang regalong maaaring makapagdugtong sa buhay ng isang may sakit, habang nag-iiwan din ng benepisyong pangkalusugan sa nagbibigay ng dugo.


Kamakailan ay inilunsad ang paggunita sa National Blood Donors Month, sa Antipolo City, Rizal. Tinampok dito ang Human Blood Formation, kung saan daan daang katao ang luminya upang makabuo ng imahe ng isang human blood droplet.

www.gov.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons