September 15, 2011 | 12:00 NN
BILANG na ang araw ng smuggler at tiwaling opisyal sa Bureau of Customs o BoC.
Ito ang tiniyak ni dating Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon, kasunod ng pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Noynoy Aquino bilang bagong commisioner ng BoC.
Aminado si Biazon na mabigat ang bagong trabaho na ibinigay sa kanya ng pangulo, pero tiwala siyang magagampanan niya ang kanyang tungkulin katuwang si dating Scout Ranger Commander Brigadier Gen. Danilo Lim na itinalaga namang Customs Deputy Commisioner for Intelligence.
Binanggit din ni Biazon na ipagpapatuloy niya ang mga nasimulan nang hakbang ni outgoing Customs Commissioner Angelito Alvarez para sa ikabubuti ng pamumuno sa ahensya.
Kasabay nito, naniniwala si P-Noy na lalo pang mapapahusay ni Biazon ang reporma sa Customs at maabot ang mga Target Revenue Collections.
www.rmnnews.com

0 comments:
Post a Comment