Inaprubahan na ng Central Luzon Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang karagdagang P14 na cost of living allowance sa mga manggagawa sa Region III.
Dahil dito, sinabi ni Labor Department Central Luzon Information Officer Gerry Borja na umaabot na sa P330 ang arawang sahod ng mga non-agricultural workers sa rehiyon mula sa dating P316.
Sinabi ni Borja na inaprubahan ang wage order bilang ayuda sa mga manggagawa dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng pamumuhay sa Gitnang Luzon.
www.dzmm.com.ph
0 comments:
Post a Comment