Saturday, June 11

Public service booths ng pamahalaan, inilunsad sa Luneta bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan


June 11, 2011 | 5:00 PM

Naglunsad ng isang public service program ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan sa Luneta bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan bukas.

Sinabi ni Department of Tourism (DOT) National Parks Development Committee Executive Director Juliet Villegas na nagtayo ng iba't ibang booth ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan para magbigay ng serbisyo publiko.

Kabilang aniya rito ang Department of Trade and Industry (DTI) na naglunsad ng kanilang diskwento caravan at Department of Labor and Employment (DOLE) na mayroon namang jobs fair.

Maaari rin aniyang magparehistro ng sasakyan sa booth ng Land Transportation Office (LTO) at kumuha ng National Bureau of Investigation (NBI) clearance sa booth naman ng NBI.

Sinabi ni Villegas na hanggang bukas magbibigay serbisyo ang mga booth ng pamahalaan at muli silang babalik sa June 19 kasabay naman ng pagdiriwang ng kaarawan ni Jose Rizal.

www.dzmm.com.ph 

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons