July 30, 2011
Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi pa pinal at patuloy pa ring pinag-aaralan ang panukalang ilipat sa Setyembre ang umpisa ng pasukan mula Hunyo.
Sa isang panayan, inihayag ni Assistant Secretary Tonisito Umali ng Legal and Legislative Affairs ng DepEd na marami pa ring argumentong pinag-aaralan ukol dito.
Pero noon aniya ay may isinagawang nationwide survey kung saan lumitaw na tanging tatlong rehiyon lamang na kinabibilangan ng Region III, VI at IX ang pabor na ilipat ang pasukan sa Setyembre.
Pero karamihan aniya ng mga guro, mag-aaral, magulang at maging local government officials ay kontra na ilipat ang pasukan sa Setyembre.
Paliwanag ni Umali, sa 202 school calendar days sa isang taon ay 180 school learning days ang inoobliga ng DepEd sa mga paaralan na dapat bunuin at mayroong 22 buffer days kung saan kinukuha ang class suspension, kompetisyon at iba pang selebrasyon.
www.rmn.com.ph
0 comments:
Post a Comment