Friday, October 7

Typhoon drill sa bawat barangay, ipinanukala sa Senado

October 7, 2011

Hinikayat ni Senador Kiko Pangilinan ang mga local executives na magsagawa ng typhoon drill sa mga barangay bilang bahagi ng disaster preparedness.

Layon nitong maipaalam sa taumbayan ang kahalagahan ng evacuation at ang tamang proseso nito sa panahon ng kalamidad.

Kung mayroon aniyang earthquake drill, maiging magkaroon din ng typhoon drill dahil mahigit sa 20 bagyo ang tumatama sa bansa kada taon.

Noong kasagsagan ng Bagyong Pedring, maraming local government units (LGU) at rescue workers ang nahirapang kumbinsihin ang mga residente sa mabababang lugar para mag-evacuate kung saan nagtalo pa ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kung kailangan nang magsagawa ng forced evacuation.

Hiniling naman ni Senador Loren Legarda na tutukan nang husto ng Department of Health (DOH) ang health at sanitary conditions sa mga evacuation center. 

www.dzmm.com.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons