Saturday, July 2

Opinyon ng mga ‘di taga-Davao City, di mahalaga kay Sara Duterte

Iginiit ng alkalde ng Davao City na si Sara Duterte na sa kanyang mga kababayan siya may obligasyong magpaliwanag kaugnay ng ginawa niyang pagsuntok sa isang court sheriff ng lungsod nitong Biyernes.

Pinanindigan ng alkalde na hindi mahalaga sa kanya ang opinyon ng mga taong hindi sangkot sa nangyaring kaguluhan.

Bagaman wala umanong "excuse" sa kanyang inasal, iginiit niya na ang kanyang pananagutan ay nasa kanyang mga kababayan sa lungsod.

Sa payo na rin umano ng kanyang abogado, magsusumite siya ng affidavit tungkol sa nangyari para sa anumang magiging imbestigasyon kasama ang gagawin ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Inamin naman ni Duterte – anak ni Rodrigo Duterte, dati ring mayor ng Davao City na matindi ang init ng kanyang ulo nang masuntok niya si Abe Andres, city sheriff ng Regional Trial Court.

Nagalit umano siya kay Andres dahil hindi umano pinagbigyan ng huli ang kanyang pakiusap na dalawang oras na palugid sa paghahain ng demolition order sa 200 bahay sa Barangay Monteverde.

www.gmanews.tv
 

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons