July 2, 2011 | 3:00 PM
INABISUHAN na ng Phil. Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko kaugnay sa namataang sama ng panahon sa bahagi ng Palau Island.
Ayon kay Dost-Pagasa Usec. Graciano Yumul - posible itong pumasok sa Philippine Area Of Responsibility sa Huwebes at mabuo bilang isang bagyo.
Nabatid na halos parehong direksyon ang tatahakin ng nasabing low pressure area sa nagdaang bagyong Egay at Falcon kung saan binaybay nito ang bahagi ng Mindanao, Samar, Leyte, Bicol region maging sa Hilagang Luzon.
Sa kasalukuyan, patuloy pa ring umiiral ang Intertropical Convergence Zone (Itcz) sa parte ng Visayas at Mindanao na siyang nagdudulot ng mga pag ulan.
Nabatid na tatlo hanggang apat na bagyo ang maaaring pumasok sa bansa ngayong buwan ng hulyo hanggang Setyembre.
www.rmn.com.ph

0 comments:
Post a Comment