Wednesday, February 8

Carranglan, Nueva Ecija Mayor Restituto Abad, pumanaw na

Pumanaw na ang 54-anyos na alkalde ng Carranglan, Nueva Ecija na si Restituto Abad matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem noong Sabado sa Barangay Saranay sa Bayan ng Guimba.

Ayon kay Sr. Insp. Herman Lising, hepe ng Carranglan Police, alas-12:15 ng hatinggabi nang bawian ng buhay si Abad.

Tama sa kilikili at balikat ang tinamo nito at naisugod pa sa Doctor's Hospital sa Nueva Ecija.

Nailipat pa ito sa St. Luke's Medical Center sa Global City sa Taguig, kung saan siya binawian ng buhay. 
Kasalukuyang nagpapagamot pa ang driver ng alkalde na si Satty Duclayan, na tinamaan din sa kanyang leeg at ulo .

Samantala, natimbog na noong Sabado ang isa sa mga suspek na kinilalang si Bernilo Pascual habang pinaghahanap pa ang kasama nitong gunman.

Pamumuno sa 7ID, pormal nang naipasa kay Luga

Pormal nang isinalin kaninang umaga ni Major Gen. Jose Mabanta, Jr. kay Brigadier Gen. Alan Luga ang responsibilidad bilang commander ng 7th Infantry Division.

Ginanap ang change of command ceremony sa Grandstand ng Fort Magsaysay sa Palayan City. Ang Commanding General ng Philippine Army na si Lt. Gen. Emmanuel Bautista ang nagsilbing presideng officer sa nasabing change of command.

Itinalaga naman si Maj. Gen. Mabanta bilang pinuno ng 3rd Infantry Division sa Western Visayas.

Ayon kay AFP Chief of Staff Jessie Dellosa, ang isinagawang pagtatalaga ay senyales ng masidhing adhikain ng militar na patatagin ang pamamahala at propesyonalismo sa kanilang hanay.

Aniya, ang bawat lugar sa bansa ay may pabago-bagong sitwasyong nangangailangan ng angkop at bagong pamamaraan ng pagtugon. 


Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons