June 1, 2011 | 12:00 NN
Nasa bayan ng Gen. Tinio ngayong araw ang 101.5 BiG SOUND fm at 1188 DZXO am newsteam upang makiisa sa ginaganap na paglulunsad ng National Greening Program ng Department of Environment and Natural Resources sa Minalungao National Park.
Limanlibong puno ang inaasahang maitatanim ngayong araw sa nasabing lugar. Bahagi lamang ito ng target na isa’t kalahating bilyong puno na itatanim sa isa’t kalahating milyong ektarya ng lupa sa buong bansa. Inaasahang makakamit ang target na ito hanggang sa 2016.
Nakiisa rin sa programang ito ang mga kasapi ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas Nueva Ecija Chapter. Kasama rin dito ang DepEd, DILG, at ilan pang ahensiya ng gobyerno, gayundin ang mga LGU, NGO, people’s organization, state colleges and universities, at business at private sector.
Ang paglulunsad ng National Greening Program sa Nueva Ecija ay nasa pagsubaybay ni Provincial Environment and Natural Resources Officer Rafael Otic.
Samantala, sa NBA…
Panalo ang Miami Heat laban sa Dallas Mavericks sa Game 1 ng NBA Finals.
Nai-poste ng Heat ang score na 92-84.
- BiG SOUND and DZXO Newsteam
0 comments:
Post a Comment