May 28, 2011 | 12:00 NN
Muli na namang gumawa ng kasaysayan ang Filipino-American NBA coach na si Erik Spoelstra matapos matalo ng Miami Heat ang Chicago Bulls sa kanilang laban kahapon. Dahil dito, makakaharap ng Heat ang Dallas Mavericks sa Finals.
Si Spoelstra ang kauna-unahang Pinoy at Asian coach sa NBA Finals.
Hindi naging madali para sa Heat na mapayuko ang Bulls sa katatapos na Game 5 ng Eastern Conference Finals.
Subalit sa huli, nanaig pa rin ang Miami kahit nasa teritoryo sila ng Bulls matapos mai-poste ang laro sa score na 83-80.
Kumana ng puntos sina Lebron James na 28-points, Chris Bosch na may 20-points at Dwayne Wade na nakagawa ng 21-points.
Samantala…
Ang buong sambayanan ay nagdiriwang ng National Flag Day ngayong araw na magtatagal hanggang sa June 12, Araw ng Kalayaan.
Ine-enganyo ng Department of Interior and Local Government na mag-display ng watawat ng Pilipinas sa bawat bahay, government building, paaralan, pamantasan, ospital, business establishment, at maging sa mga poste sa kalsada.
Ating ipagmalaki ang isang simbolo na nagpapakita ng ating pagiging malayang Pilipino – ang ating pambansang watawat.
0 comments:
Post a Comment