May 31, 2001 | 3:00 PM
INAASAHAN na ang mainitang talakayan sa pagsasabuhay ng divorce bill sa bansa gaya ng kontrobersyal na Reproductive Health Bill.
Muli kasing nanindigan ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines hinggil sa mariiin nilang pagtutol sa nasabing panukalang-batas.
Binigyang-diin ni CBCP Spokesman Father Francis Lucas ang malinaw na posisyon ng Simbahang Katolika laban sa pagbubuwag sa isang kasal na sinumpaan sa harap ng diyos.
Iginiit nito na may umiiiral namang annulment para ipawalang-saysay ang pagsasamang sa una pa lamang ay mali na.
Tulad ng kanilang pag-kontra sa RH Bill - layon ng kanilang posisyon na pangalagaan ang pagiging sagrado ng kasal at pagsunod sa kung ano ang nakasaad sa biblya.
www.rmn.com.ph
0 comments:
Post a Comment