Thursday, June 9

Agri-tourism, ipinapanukala para lumakas ang industriya ng turismo sa Pilipinas


June 9, 2011 | 12:00 NN

IPINAPANUKALA ngayon sa Department of Tourism ang pag-angkop sa bagong “tourism product” na tinatawag na “agri-tourism.”

Pinangunahan ni A-Linx Events International Incorporated, President Kenneth Dong ang proposal na kanyang iprinisenta sa mga kinatawan ng DOT at ng Department of Agriculture para sa operasyong nito.

Sa ilalim aniya nito, gagawing atraksyon ang farming communities kung saan maaring makibahagi sa aktibidad ang mga foreign tourist.

Kaugnay nito, ang mga food products ng mga probinsya ay dapat aniya ibida ng toursim department kasama na ang mayamang kultura ng mga ito na tiyak na magpapa-engganyo sa mga dayuhan na bisitahin ang Pilipinas.

Naniniwala ang nasabing opisyal na hindi dapat limitado lamang ang turismo sa bansa sa pagsusulong ng mga nag-gagandahang karagatan, historical sites at iba pang urban destination.

www.rmn.com.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons