June 24, 2011 | 3:00 PM
PINAGHAHANDA ng PAGASA ang mga residente sa Central ng Luzon.
Ito ay dahil ang mga lalawigan sa nasabing rehiyon ay makakaranas ng malakas na buhos ng ulan na dadalhin ng hanging Habagat na pinalalakas ng bagyong Falcon.
Ayon kay PAGASA, Supervising Undersecretary Graciano Yumul sinabi nitong ang mga pag-ulan ay dulot na lamang ng Habagat dahil ang bagyo ay malapit nang makalabas sa Philippine Area of Responsibility patungong Japan.
Kaugnay nito kinalma rin ni Yumul ang pangamba ng publiko hinggil sa kalakasan ng ulan na naiku-kumpara sa lakas ng bagyong Ondoy noong 2009 na nagpabaha sa karamihang lugar sa Luzon.
Samantala, batay sa forecast ng Weather Bureau, bukas ng umaga ang bagyong Falcon ay inaasahang nasa layong:
Kasabay nito, uulanin pa rin ang Central at Northern Luzon.
www.rmn.com.ph

- 500 km hilaga-hilagang-silangan ng Basco, Batanes
- sa linggo naman ng umaga ito ay nasa layong 1,030 km ng hilaga-hilagang-silangan ng Basco, Batanes o 370 km kanluran hilagang-kanluran ng Okinawa, Japan.
Kasabay nito, uulanin pa rin ang Central at Northern Luzon.
www.rmn.com.ph
0 comments:
Post a Comment