June 23, 2011 | 3:00 PM
IPINAGMALAKI ng Department of Trade and Industry na patuloy ang paglago ng ekonomiya ng bansa bunsod ng magandang kalakalan.
Ayon kay DTI Secretary Gregory Domingo, lumago aniya ng 7.6% ang ekonomiya noong 2010 at patuloy pa itong tumataas ng 5% sa 1st quarter ng taon.
Inaasahang sisipa pa ang Economic Growth Rate dahil sa maganda aniyang export performance sa coconut oil, furniture at garment industry.
Ayon pa kay Secretary Domingo, malaki din ang kontribusyon ng mga remittances ng mga Overseas Filipino Workers kung saan 10% ang kanilang naging ambag.
www.rmn.com.ph
0 comments:
Post a Comment