Bukod sa bangus at tilapia, apektado na rin ang mga hipon, biya, at alimasag ng fishkill sa Taal Lake.
Sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Calabarzon officer-in-charge Esmeralda Manalang na naglutangan na rin sa lawa ang mga patay na hipon, biya, alimasag maging ang igat bagama’t
Hindi naman aniya tone-tonelada ang dami nito kumpara sa mga namatay na bangus at tilapia.
Hindi pa rin aniya normal ang lebel ng salt oxygen sa lawa kaya inaasahang may mga lulutang pa sa mga susunod na araw.
Sa pinakahuling monitoring kasi ng BFAR, nasa 3.7 parts per million ang level ng salt oxygen sa Taal Lake gayong 6 PPM ang normal level.
Dagdag ni Manalang, malaki ang posibilidad na abutin pa ng dalawang buwan bago bumalik sa normal ang Taal Lake.
www.dzmm.com.ph
0 comments:
Post a Comment