June 25, 2011 | 11:00 AM
Lumakas pa ang Tropical Storm Falcon habang patuloy na kumikilos palayo ng bansa.
Sa pinal na bulletin sa bagyo na ipinalabas ng PAGASA, alas 5:00 ng umaga, namataan ang sentro nito sa layong 590 kilometers sa Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes kaninang alas 4:00 ng umaga.
Taglay na ang lakas ng hanging aabot ng 105 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot ng hanggang 135 , kumikilos si Falcon ng pa-Hilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na 24 .
Tinataya itong nasa 680 kilometers sa Hilaga Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes o may 320 kilometers sa Kanluran Hilagang-Kanluran ng Okinawa, Japan, alas 8:00 ng umaga.
Ayon sa PAGASA, patuloy na pag-iibayuhin ng Tropical Storm Falcon ang Southwest monsoon o hanging habagat at magdadala ng mga pag-ulan sa Luzon, partikular na sa Western sections ng Northern at Central Luzon.
Samantala, sa mga technical school, college o university na nais magpaabot ng kanselasyon ng kanilang mga klase ngayong araw, tumawag sa aming station hotline, 463-9406. |
|
|
|
0 comments:
Post a Comment