Tuesday, June 7

Mga estudyante sa kindergarten ngayong school year, umabot ng halos 2-M | Fil-Chinese Group, nagdonate ng 454 classroom buildings


June 7, 2011 | 12:00

Umaabot sa halos dalawang milyong kindergarten pupils ang naitala ng Department of Education (DepEd) sa buong bansa sa pagsisimula ng pasukan ngayong araw.

Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro na ito ay bunsod ng pinaigting na kampanya ng kagawaran na hikayatin ang mga magulang na ipatala ang kanilang mga anak sa mga public school sa ilalim ng Universal Kindergarten Program.

Samantala…

Kasabay sa pagbubukas ng klase kahapon, nangako ng 454 units ng two-classroom school buildings ang Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry o FFCCCI sa gobyerno.
 
Nagkaroon na ng symbolic turnover ng 454 scale model ang nasabing Filipino-Chinese Group kay Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III kasabay ng oath-taking ceremony ng mga opisyal ng grupo sa Malacañang.
 
Sinabi ng mga opisyal ng FFCCCI na isasagawa ito sa susunod na dalawang taon.
 
Mula 1960, nakapag-donate na ang grupo ng mahigit 4,000 units ng school buildings na katumbas ng mahigit  8,000 silid-aralan sa buong bansa.

www.dzmm.com.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons