June 12, 2011 | 3:00 PM
Idineklara na ng Guinness Book of World Records bilang pinaka-maliit na tao sa buong mundo ang 18 anyos na Pinoy na taga-Zamboanga del Norte.
Kinunan ng grupo ng Guiness ng sukat sa harap ng kaniyang mga kababayan at ng media ang Pinoy na si Junrey Balawing.
Lumitaw sa pagsukat ng Guiness na may sukat si Balawing na 23.5 inches o mas mababa kaysa sa may hawak ngayon ng titulong 'World's Shortest Man Alive' na si Khagendra Thapa Magar ng Nepal na may taas na 26.4 inches.
Kahapon ang ika-18 kaarawan ni Balawing na panganay sa apat na magkakapatid.
www.dzmm.com.ph
0 comments:
Post a Comment