July 9, 2011 | 12:00 NN
KINILALA ang Pilipinas bilang pang-12 bansa na may pinakamaraming populasyon sa buong mundo.
Sa datos ng United Nations Population Fund, umaabot na sa mahigit 94, 000, 000 ang populasyon ng bansa noong taong 2010 kung saan 1.3% ito ng kabuuang populasyon sa mundo.
Pinakamaraming bilang ng mga Pilipino ay mula sa Quezon City na may mahigit dalawang milyon, sinundan ito ng Maynila, Caloocan, Davao at Cebu.
Nabatid na tumaas ang populasyon ng Pilipinas ng mahigit dalawang milyon kumpara sa 92 million noong 2009.
Samantala, nangunguna naman sa UN list ang China na may populasyon na 1.3 billion, pumangalawa ang India na may 1.2 billion at pangatlo ang Amerika na may mahigit 311,000,000 na populasyon.
www.rmn.com.ph
Saturday, July 9
Pilipinas, ika-12 sa listahan ng mga bansang may pinakamaraming populasyon sa buong mundo
10:39 AM
Percy Tabor
No comments
0 comments:
Post a Comment