August 6, 2011 | 12:00 NN
Nakasungkit na ng tatlong gintong medalya at isang silver ang Philippine Dragon Boat team sa ginaganap na International Dragon Boat Federation (IDBF) 10th World Championships sa Tampa Bay, Florida, USA.
Wagi ang pambansang koponan sa Mixed event sa 200 meters small boat division kung saan nila tinalo ang Italy, Trinidad and Tobago at Japan.
Nakasungkit din sila ng dalawang gintong medalya sa Premier 200-meter mixed event sa oras na 57.07 seconds gayundin sa 1,000 meters men's event.
Nakapagtala pa ang Filipino paddlers sa 1,000 meters event ng bagong world record sa pinaka-prestihiyosong Dragonn Boat competition sa mundo.
Pinakahuli namang nasungkit ng koponan ang medalyang pilak sa 80 Premier 200 meters Men's Division kung saan tinalo sila ng Russia.
Ang Philippine Dragon Boat Team ay binubuo ng composite team mula sa Philippine Army, Air Force, Navy at Coast Guard at kasalukuyang defending world champion.
www.dzmm.com.ph

0 comments:
Post a Comment