Monday, August 1

Seguridad sa Manila Memorial Park, hinigpitan para sa 2nd death anniv ni ex-Pres Cory

August 1, 2011 | 3:00 PM


Mahigpit na ang ipinatutupad na seguridad sa Manila Memorial Park sa ParaƱaque para sa idaraos na misa mamayang alas 4:00 ng hapon bilang paggunita sa ikalawang taon ng kamatayan ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Maaga pa lamang, naglagay na ng mga tent sa paligid ng musoleo para sa inaasahang pagdating ng pamilya, kaibigan at supporters ng dating pangulo.

Napapalibutan na ng mga dilaw na bulaklak ang puntod ng mag-asawang President Cory at dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino II.

Pangungunahan ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang pag-aalay ng misa para sa kanyang namayapang ina.

Nilinaw naman ng pamunuan ng sementeryo na hindi nila binabawalan ang publiko na magtungo roon para mag-alay ng bulaklak, kandila at dasal sa yumaong dating pangulo.


Binawian ng buhay si Dating Pangulong Cory Aquino noong August 1, 2009 matapos ang kanyang pakikipaglaban sa colon cancer.


Ang pagkamatay ni Cory, na tinuturing ding simbolo ng demokrasya sa bansa matapos mapatalsik sa pwesto si Ferdinand Marcos, ang nagsimula ng malawakang panawagan na tumakbo si noo'y senador Noynoy Aquino sa May 2010 presidential election.



0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons